MANILA, Philippines - Sinungaling umano ang Pinagkaisang Samahan ng Transport at Operator Nationwide (PISTON) matapos na akusahan nito ang United Transport Koalisyon (1 UTAK) party list na nakikipagsabwatan umano ito sa tatlong malalaking kumpanya ng langis kaya’t wala itong ginagawa para sa kapakanan ng mga tsuper, operator at pasahero ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay 1 UTAK secretary general Bren Sayasa II, walang katotohanan ang bintang ni George San Mateo at simula ng maluklok sila sa Kongreso ay sunod-sunod na House Bills at Resolutions na ang kanilang inihain kung saan ilan dito ay ang pagbusisi ng fair pricing sa mga produktong petrolyo.
Giit ni Sayasa, pinagaganda nila ang kumpetisyon sa bentahan ng langis para hindi naman maagrabyado ang mga maliliit na players ng produktong petrolyo kung kaya’t hindi totoo ang sabwatan.