^

Bansa

Land scam sa Harbour Center bubusisiin

-

MANILA, Philippines - Binigyan ng Ombudsman ng 10 araw ang mata­taas na opisyales ng Home Guaranty Corporation upang magpaliwanag sa umano’y “maanomalyang” bentahan ng 2.8 ektaryang lupain sa loob ng Harbour Center na nagresulta sa pagkalugi ng gobyerno.

Ayon pa sa Ombudsman, may “sapat na bata­yan” upang busisiing ma­buti ang reklamong inihain ni Jerome Canlas, laban kina HGC President Gon­zalo Benjamin Bongo­lan at anim na iba pang opisyal ng HGC.

Ayon kay Canlas, na­lugi umano ang gobyerno ng malaking halaga mata­pos payagan ng HGC na ma­benta sa La Paz Milling­ Cor­p. noong 2008 ang 2.8 ektaryang lupain sa loob ng Harbour Center, Maynila, sa halagang P13,000/per square me­ter, para sa kabuuang P384,715,800 bagaman mula P506,205,000 hang­­­gang P694,224,000 ang aktuwal na halaga ng na­turang ari-arian noong taong 1999.

Noon naman umanong Agosto 2001, nagbenta rin ng lote sa nasabing lugar ang National Housing Authority (NHA), sa halagang P17,500 per square meter, na parehong mas mataas sa presyong ibinayad ng La Paz Milling sa HGC. (Butch Quejada)

AGOSTO

AYON

BENJAMIN BONGO

BUTCH QUEJADA

HARBOUR CENTER

HOME GUARANTY CORPORATION

JEROME CANLAS

LA PAZ MILLING

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PRESIDENT GON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with