Abu PAGs ng pulitiko sa Mindanao

MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Philippine National Police chief Director General Jesus Verzosa na ginagamit ding Private Armed Group ng mga pulitiko sa Western Minda­nao ang mga miyembro ng Abu Sayyaf.

Aniya, may impormas­yon silang natanggap na konektado ang ilang wanted na Abu Sayyaf sa PAG’s lalo na sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at ilang bahagi ng Zamboanga Peninsula.

Tumanggi naman si Verzosa na ibunyag ang pangalan ng mga pulitiko na gumagamit sa ASG kaya tuloy-tuloy pa rin ang maigting na operasyon ng militar para lansagin ang PAGs sa buong bansa.

Nadiskubre din ng militar na ang mga ASG na sumapi sa PAGs ay ka­anak din ng mga ito at ng ilang pulitiko sa Sulu. (Joy Cantos)

Show comments