Abu PAGs ng pulitiko sa Mindanao
MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Philippine National Police chief Director General Jesus Verzosa na ginagamit ding Private Armed Group ng mga pulitiko sa Western Mindanao ang mga miyembro ng Abu Sayyaf.
Aniya, may impormasyon silang natanggap na konektado ang ilang wanted na Abu Sayyaf sa PAG’s lalo na sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at ilang bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Tumanggi naman si Verzosa na ibunyag ang pangalan ng mga pulitiko na gumagamit sa ASG kaya tuloy-tuloy pa rin ang maigting na operasyon ng militar para lansagin ang PAGs sa buong bansa.
Nadiskubre din ng militar na ang mga ASG na sumapi sa PAGs ay kaanak din ng mga ito at ng ilang pulitiko sa Sulu. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending