^

Bansa

3 Cabinet men nagresign!

- Nina Rudy Andal at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlo pang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo ang nagbitiw kaha­pon sa kanilang tungkulin alinsunod sa resolusyon ng Supreme Court hinggil sa pagtakbo ng mga ito sa May 10 elections.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, tinatapos na lang niya ang kanyang naiwang trabaho ngunit naihain na niya ang kanyang resignation no­ong­ Pebrero 23 pa.

Kamakalawa ng gabi ay ibinigay na rin ni Justice Secretary Agnes Devana­dera ang resignationa letter nito kay Pangulong Arroyo ngunit hindi rin agad iiwan ang kanyang opisina upang matapos ang mga trabahong nakabinbin sa kanyang lamesa at inaasa­hang tatapusin muna ang Pebrero bago tuluyang harapin ang kanyang kan­didatura bilang kongresista sa unang distrito ng lala­wigan ng Quezon.

Iginiit pa ni Ermita na ma­raming maaaring ipalit si Pangulong Arroyo sa mga nagbitiw na gabinete. Posible umanong ipalit kay Ermita bilang executive secretary sina Transportation Sec. Leandro Men­doza o Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo.

Matatandaan na ilan sa mga kontrobersyal na kasong hawak ng DOJ ang Maguindanao massacre at ang kaso laban kay Sena­dor Panfilo Lacson kaug­nay sa Dacer-Corbito double murder case.

Samantala, naghain na rin ng kanyang resignation si Presidential Management Staff Chief Hermo­genes Esperon Jr. Nauna nang nagbitiw si Budget Sec. Rolando Andaya ka­makalawa.

vuukle comment

ALBERTO ROMULO

BUDGET SEC

ERMITA

ESPERON JR. NAUNA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FOREIGN AFFAIRS SEC

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANA

LEANDRO MEN

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with