^

Bansa

Bomber plane bumagsak: 2 piloto todas!

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi makaraang aksidenteng bumagsak ang OV-10 bomber plane habang nagsasagawa ng training flight sa Crow Valley, Sta. Lucia, Tarlac nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi sa mga apelyido lamang na Captain Corpuz at Lt. Carrandang.

Sa phone interview, kinumpirma ni Major Gen. Horacio Lapinid, Commander ng 1st Air Division na nakabase sa Air Force City Clarkfield, Pampanga na bandang alas-2:55 ng hapon ng mangyari ang sakuna.

Kasalukuyang nagsasagawa ng aerial gunnery training ang dalawang piloto habang pina­lilipad ang OV 10 Number 399 bomber plane sa nasabing lugar ng tuluy-tuloy na bumulusok paibaba sa bahagi ng Crow Valley ang nasabing combat plane na ikinasawi ng dalawang piloto.

Agad namang inatasan ni Lapinid ang search and rescue personnel ng 1st Air Division ng Air Force at narekober ang bangkay ng dalawang piloto sa crash site.

Ipinag-utos na ni PAF Chief Lt. Gen. Oscar Rabena na ‘grounded‘ na muna ang lahat ng mga OV 10 bomber plane ng PAF habang iniimbestigahan ang insidente.

Samantala, ipinaabot na ng liderato ng AFP ang pakikiramay sa pa­milya ng mga nasawing piloto.

vuukle comment

AIR DIVISION

AIR FORCE

AIR FORCE CITY CLARKFIELD

CAPTAIN CORPUZ

CHIEF LT

CROW VALLEY

HORACIO LAPINID

MAJOR GEN

OSCAR RABENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with