Payola sa BoC buking
MANILA, Philippines - Lumutang ang anggulong talamak diumano ang katiwalian sa Bureau of Customs matapos mabunyag ang milyones na ‘payola’ mula sa malalaking dibisyon nito na ayon sa impormasyon ay gagamitin sa kampanya ng ilang malalaking pulitiko.
Ayon sa impormante, umalma ang ilang matataas na personalidad sa BoC dahil sa hindi makayanang laki ng ‘payola’ na iniatang sa kanilang dibisyon at sa tuwing hapon ng Biyernes naniningil ang tinaguriang ‘batman and robin’ ng Aduana.
Masyado na umanong nahihirapan ang bawat tinokahan dahil kailangan nilang maibigay ang P20 milyones kada Biyernes. Dagdag sa impormasyon na sina alyas Niel at Larry diumano ang nanghaharibas sa Aduana gamit bilang panakot ang isang mambabatas.
Base sa impormasyon, ang legal division ng RATS ay ilan lamang umano sa tinokahan para sa naturang halaga. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending