Trike drivers tutol din sa RFID

MANILA, Philippines - Tutol na rin ang mga samahan ng tricycle driver sa implementasyon ng Radio Frequency Identification Device ng Land Transportation Office-Stradcom.

Ayon kay Lamberto Pascual, pangulo ng Quezon City Tricycle Operators and Drivers Association, hindi na kailangan ang RFID sa mga tricycle dahil mayroon namang ahensiya ng pamahalaan na talagang nakasentro sa pagpuksa ng colorum at out of line vehicles gaya ng pangako ng RFID.

Mayroon din anyang enforcers ang mga lokal na pamahalaan para alisin ang mga colorum.

“Hindi na kailangan yan, dagdag gastos lang yan, dito sa amin sa QC mayroon ng DPOS at kami mismo ay nagsasagawa ng paglilinis sa aming hanay kaya di na kailangan yan, ang dami ng tanggapan ng pamahalaan na nagsasabing aalisin ang colorum pero me nangyari ba?” pahayag ni Pascual. (Butch Quejada)

Show comments