'Presyo ng asukal, bumaba na' -NFA
MANILA, Philippines - Inihayag ng National Food Authority na bumaba na ang presyo ng asukal sa mga pamilihan.
Itoy matapos na magbenta ang NFA ng murang asukal sa halagang P48 kada kilo sa pamamagitan ng institutionalized bigasan sa mga palengke outlets nito umpisa nitong buwan ng Pebrero.
Sa latest monitoring ng Bureau of Agricultural Statistics ng Department of Agriculture mula Pebrero 3 hanggang 13 ng taong ito, ang average retail price ng asukal sa Metro Manila ay P54.53 kada kilo pero sa refined sugar ay P 47.77 kada kilo, ang brown sugar naman ay P45.80 kada kilo.
Kaugnay nito, naglaan ang Sugar Regulatory Board ng 700 sako ng asukal para ibenta ng NFA sa mga outlets nito matapos na umakyat sa P60 ang kilo ng refined sugar noong buwan ng Enero ng taong ito. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending