'Brownout wa epek sa eleksyon' - Comelec
MANILA, Philippines - Hindi dapat na ikabahala ng publiko ang umano’y power shortage o mga brownout sa panahon ng eleksiyon.
Ito naman ang tiniyak ng Commission on Elections kasabay ng pagpawi sa pangambang magiging sanhi ng failure of elections kapag hindi naagapan ang power shortage o mga brownout sa Mindanao.
Magugunitang ito ang isa sa mga dahilan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa pagpapanukala ng emergency powers para kay Pangulong Gloria Arroyo upang maresolba ang aniya’y ‘actual power shortage’ sa kanyang lugar.
Sinabi naman ni Comelec spokesman James Jimenez na sapat ang kanilang logistics para hindi maapektuhan ang halalan laban sa brown-out.
Ayon kay Jimenez, pang-16 oras ang kanilang mga baterya kaya sapat para gumana ang mga makina sa loob ng 11 oras na botohan.
Bukod dito, sa mga canvassing areas, mayroon din silang 1,700 generators na gagamitin sa transmission sa oras na nagka-brown-out. (Doris M. Franche)
- Latest
- Trending