^

Bansa

Per pulse billing sa cellphones pinatigil ng Court of Appeals

-

MANILA, Philippines - Ipinahinto ng Court of Appeals sa National Telecommunications Commission ang pagpapatupad ng “per-pulse billing system” sa mga mobile phones dahil labag ito sa karapatan ng mga telecommunication companies.

Sa tatlong pahinang resolution ng CA, 60-araw magiging epektibo ang nasabing kautusan kaya maaaring ipatupad muli ng mga telecommunication companies ang dati nilang billing rules.

Iginiit pa ng CA na may­roong “urgency” para ipahinto ang nasabing per-pulse billing hindi lang para pagbigyan ang mga telecommunication companies kundi para din sa publiko na umaasa lang sa serbisyo ng mga ito.

Unang hiniling ng Globe Telecom, Inc. at Innove Communications Inc. sa CA na pagbawalan ang NTC na ipatupad ang per pulse billing para sa mobile phone voice calls na ipinatupad noong Disyembre 6, kung saan ang mga tawag sa cellphone ng mga subscriber ay maari lamang ilagay sa kanilang bill base sa actual duration ng kanilang paggamit. (Gemma Garcia)

COURT OF APPEALS

DISYEMBRE

GEMMA GARCIA

GLOBE TELECOM

IGINIIT

INNOVE COMMUNICATIONS INC

IPINAHINTO

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with