Lebel ng tubig sa mga dam patuloy sa pagbaba
MANILA, Philippines - Patuloy umano sa pagbaba ang level ng tubig sa mga dam kaya umapela na ang Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko laluna ang mga taga Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.
Sinabi ni Dra. Susan Estonueva, Chief hydro ng PAGASA, kahit na may ginagawang cloud seeding o artificial rain sa may mga watershed, konting ulan dahil sa convergence zone at bulubunduking lugar, hindi ito sapat para mapunan ang kailangang tubig sa mga dam nationwide.
Nagsisimula pa lamang anya ang epekto ng El Nino sa bansa ay patuloy na ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam sa bansa kayat malamang na mas matindi ang epekto nito sa summer kayat dapat magtipid ang lahat sa paggamit ng tubig.
Noong 1997 hanggang 1998 anya ang pinaka matinding tagtuyot na naranasan sa bansa na maraming bilang ng mga sakahan ang napinsala dahil sa kakulangan sa suplay ng tubig at maraming lugar ang walang tubig. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending