^

Bansa

Atienza inalis na sa LP

-

MANILA, Philippines - Tuluyan nang hinu­baran ng partido si dating Environment Secretary at Manila mayoralty bet Jose “Lito” Atienza mata­pos na kilalanin ng Korte Su­ prema si Sen. Manuel Roxas bilang tunay at nag-iisang pangulo ng Li­beral Party.

Sa 18-pahinang en banc decision, hindi umabuso ang Commission on Elections ng kati­gan nito ang pagkapanalo ni Roxas sa National Exe­cutive Council Meeting ng LP noong Nobyembre 26, 2007 sa Manila Hotel.

Ayon kay LP Spokesman Erin Tanada, makikita pa rin sa huli kung sino ang tunay na oposisyon at ang nagkukunwari lang at kakampi naman ng admi­nistrasyon.

Unang binara ng Co­melec ang ipinalabas ni Atienza na “certified list of candidates for Congressional and Local positions” para sa National Capital Region-Manila ngunit si Manila Mayor Alfredo Lim ang idineklara ng Co­melec bilang opisyal na kandidato ng LP sa lungsod.

Matatandaan na iginiit ni Atienza na iligal ang pagpapatalsik sa kanya at sa ilang dating miyembro ng LP kaya ito naghain ng petisyon sa SC para ipa­walang bisa ang pag­ka­kahirang kay Roxas bilang LP president kapalit ni dating­ Senate President Franklin Drilon.

Ikinatuwa naman ng LP ang nasabing desis­ yon. (Malou Escudero)

ATIENZA

CONGRESSIONAL AND LOCAL

COUNCIL MEETING

ENVIRONMENT SECRETARY

KORTE SU

MALOU ESCUDERO

MANILA HOTEL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANUEL ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with