Pagpirma ni GMA pinasalamatan ng may-akda ng senior citizens bill

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Parañaque City Rep. Eduardo Zialcita kay Pangulong Gloria Arroyo sa tuluyang pagsasabatas ng Expanded Senior Citizen Act of 2010 para hindi mapatawan ng 12% expanded value added tax ang mga matatanda.

Ayon kay Zialcita na siyang may akda ng nabanggit na batas, malaki ang mapapakinabang ng mga senior citizen sa naturang batas lalo na sa pagbili ng gamot.

Nanawagan din si Zialcita sa ilang pulitiko na huwag isama ang naturang batas sa kanilang pangangampanya. Kinondena din nito ang isang vice-presidentiable dahil sa pagkakalat nito na siya ang nasa likod ng ESCA at binalewala si Senadora Pia Cayetano na siyang nagsulong nito sa Senado.

Kinondena din nito ang Department of Finance sa hindi paggampan sa kanilang trabaho lalo pa at sinabi ng huli ang mga posibleng kumplikasyon sa pagbibigay ng ayuda sa mga matatanda. (Danilo Garcia)

Show comments