Recom pa rin sa Caloocan
MANILA, Philippines - Tuluyan ng hindi makakatakbo sa mayoralty race si dating Caloocan City Congressman Luis “Baby” Asistio sa darating na halalan sa Mayo matapos ibasura ng korte ang apela nito sa isyu ng non-residency.
Sa dalawang pahinang desisyon ni Caloocan City Regional Trial Court Brach 129 Judge Thelma Canlas Trinidad Pe Aquirre, ibinasura ang nasabing apela ni Asistio dahil sa hindi pagbabayad ng docket fee sa takdang panahon dahil natanggap ng korte ang docket fee nito noong Pebrero 11, 2010 lang gayung nakuha nito ang kopya ng desisyon ng Metropolitan Trial Court noon pang Pebrero 5, 2010.
Sa ilalim ng batas, limang araw lang ang ibinibigay para makapagbayad ng docket fee at maiapela ang nasabing desisyon.
Maging ang notice of appeal ay naihain din ng kampo ni Asistio dakong alas 5:30 ng hapon noong February 10, 2010 samantalang ang oras ng tamang paghahain ay hanggang alas 5:00 lamang ng hapon.
Isinampa ang disqualification case laban kay Asistio nang madiskubre ng abogado ni Echiverri na hindi na ito nakatira sa bahay nito sa No. 123 Interior P. Zamora, Barangay 15, Caloocan City.
Unang naghain sa Comelec sina Asistio at Reynaldo Malonzo ng petisyon para mabasura ang kandidatura ni Echiverri ngunit agad din ibinasura ni First Division Presiding Judge Rene Sarmiento dahil sa kawalan ng merito.
Ikinagalak naman ni Echiverri ang naging desisyon ng husgado dahil lumabas na ang katotohanan sa Caloocan. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending