MANILA, Philippines - Hinikayat ni Parañaque Rep. Eduardo Zialcita ang mga residente ng lunsod na tumulong upang mapasimulan ang paglaban sa katiwalian at korapsyon sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng paghangad sa katotohanan ukol sa mga hinihinalang anomalya dito ngayon.
Idiniin ni Zialcita na “transparency” sa kalakaran ng gobyerno ang importante ngayon dahil sa obligasyon ng mga halal na pulitiko na palaging maging bukas sa impormasyon at mapatunayang walang itinatago.
Hinamon niya sa isang privilege speech si incumbent Mayor Florencio Bernabe na magpaliwanag sa taumbayan sa mga ibinabatong anomalya sa kanyang panunungkulan at sa isang debate upang malaman ng tao ang katotohanan. (Danilo Garcia)