MANILA, Philippines - Inatasan ng Korte Suprema ang Manila Regional Trial Court na bawiin ang kasong murder laban kina dating Buguey, Cagayan Mayor Licerio Antiporda Jr. at anak nito.
Sa 19-pahinang desisyon ng Supreme Court, kinatigan nito ang unang resolution na ipinalabas ng Court of Appeals noong 2006 na nagpapabawi sa information laban kay Antiporda at anak nitong si Lloyd na dati ding alkalde at kay Romulo Awingan.
Ipinaliwanag ng SC na umabuso sa kanyang kapangyarihan si Judge Zenaida Daguna nang hindi nito bigyang daan ang withdrawal of information for murder ng mga respondents lalo pa at walang sapat na ebidensiya laban sa mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)