OIC ng Marina sibak
MANILA, Philippines - Tinanggal na sa puwesto bilang Officer in Charge ng Maritime Industry Authority si Ma. Elena Bautista.
Ito ay matapos na ideklara ng Supreme Court en banc na labag sa batas ang paghawak ni Bautista ng dalawang puwesto sa gobyerno.
Base sa 18 pahinang desisyon ni SC Associate Justice Martin Villarama Jr, hindi compatible offices ang posisyon ni Bautista bilang Undersecretary ng Department of Transportation and Communication for Maritime transport at Marina.
Nakasaad pa sa desisyon na ang paghawak ni Bautista ng dalawang posisyon ay malinaw na paglabag sa Section 13, Article VII ng 1987 Constitution kaya idineklara itong labag sa batas.
Hindi umano maaring hawakan ni Bautista ang dalawang posisyon dahil sa walang checking at counter checking ng kapangyarihan at functions dahil lumalabas na ang DOTC Undersecretary for Maritime Transport at OIC ng Marina ay iisang tao lamang. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending