^

Bansa

Erap most loved political leader, ayon sa Pulse Asia

-

MANILA, Philippines - Si dating Presidente Joseph “Erap” Estrada ang kinukonsidera ng maraming Pilipino na “most loved political leader” ayon sa latest survey ng Pulse Asia.

Naitala sa January 22-26 survey ng Pulse Asia sa ‘Most Loved Political Leader’  na inilabas noong isang linggo na si Estrada ang nakakuha ng pinakamataas na botong 13 porsiyento sa mga kasaluku­yang kandidato sa halalang pampanguluhan sa May 10 election.

Pumangalawa sa kanya si Sen. Manny Villar na pambato ng Nacionalista Party na nakakuha lamang ng limang porsiyento.

Bagaman nanguna si dating Pang. Corazon Aquino sa listahan sa botong 35 porsiyento, dinaig naman ni Estrada si dating Sen. Benig­no ‘Ninoy’ Aquino, Jr., na kumuha lang ng walong porsiyentong boto.

Dahil naman sa resulta, naniniwala ang kampo ni Estrada na tuloy-tuloy na ang pag-angat ng kanyang rating sa mga survey sa mga dara­ting na araw at malalampasan sina Aquino at Villar bago ang araw ng halalan.

vuukle comment

AQUINO

BAGAMAN

BENIG

CORAZON AQUINO

DAHIL

MANNY VILLAR

MOST LOVED POLITICAL LEADER

NACIONALISTA PARTY

PRESIDENTE JOSEPH

PULSE ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with