^

Bansa

Sexual abuse sa Morong 43 binawi

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Iniharap na kahapon ng militar sa Court of Appeals ang  Morong 43 para sa hea­ring ng habeas corpus petition na inihain ng kani­lang mga ka­anak.

Sa pagsisimula ng hea­ring, isa-isang nakaposas ang mga health workers kasama ang kanilang military escort na iniharap kay CA  Associate Justice Portia Hormacuelos.

Dito naman binawi  ni Jane Balleta, 27 anyos at isa sa mga ina­­resto, ang kanyang naunang pahayag na siya ay minolestiya ng ilang miyembro ng militar.

Ang pagbawi ni Jane ay bunsod sa naunang pahayag ng ina nitong si Ofelia Beltran-Balleta na sinabi umano ng kanyang anak nang bumisita ito sa kampo ng militar na minolestiya siya ng mga ito.

Kusang loob namang pina-interview ng isang military officer na may nameplate na Zaragoza sa mga mamamahayag si Balleta.

Ayon kay Balleta, hindi totoong minolestiya siya ng militar at siya ay maayos na trinato ng mga ito su­balit inamin nito na “under too much pressure” siya na itinanggi naman nitong ipaliwanag ang kanyang ibig sabihin.

Si Balleta ay emple­yado ng Council for Health Development, isang non-government organization, at kabilang sa 43 health workers na naaresto noong February 6 sa Morong Rizal at pinagbintangang mga miyembro ng New People’s Army.

ASSOCIATE JUSTICE PORTIA HORMACUELOS

BALLETA

COURT OF APPEALS

HEALTH DEVELOPMENT

JANE BALLETA

MORONG RIZAL

NEW PEOPLE

OFELIA BELTRAN-BALLETA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with