Plunder vs ex-SC Justice
MANILA, Philippines - Sinampahan sa Ombudsman ng kasong plunder si dating Supreme Court Associate Justice Dante Tinga.
Inakusahan ng isang Engineer Ernesto Bautista si Tinga ng paglabag sa Plunder, Falsification at Violation ng Anti Graft Law.
Sinasabi ni Bautista na si Tinga kasama ang ilang opisyales ng National Power Corporation, Land Bank of the Philippines at First United Constructors Corporation ay nagsabwatan umano upang makapagsubi ng P93 million mula sa Napocor.
Nagsimula ang reklamo nang hindi mabayaran ang grupo ni Bautista, ang Dynamic Blasting Specialist of the Philippines, isang subcontractor ng FUCC na mayroon namang kontrata sa Napocor. Sa halip, ang pambayad dapat sa DBSP na kasama sa 93 million pesos na ibinigay sa FUCC ng Napocor ay hindi na umabot sa DBSP at pinaghati-hatian na lang umano ng mga inakusahan ni Bautista.
Hiniling ni Bautista sa Ombudsman na isuspinde muna ang lahat ng inakusahan na nasa pwesto pa upang hindi nila magamit ang kanilang kapangyarihan para maimpluwensiyahan ang pagdinig at imbestigasyon ng Ombudsman.
- Latest
- Trending