^

Bansa

Malacañang wala raw alam sa pamimigay ng condom

-

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Malacañang na hindi bahagi ng polisiya ng gob­yerno ang pamimigay ng condom upang maiwasan ang pagbubuntis o contraception.

Nasorpresa rin si De­puty Presidential Spokesman Ricardo Saludo sa lumabas na ulat na namahagi ng condoms ang ilang empleyado ng Department of Health sa Dangwa Flo­wer Market sa Maynila sa mga customers na namimili ng bulaklak kaugnay ng Valentine’s Day. Ang pamimigay ng condom ay bahagi umano ng “Ingat Lagi, My Valentine” ng DOH.

Ayon kay Saludo, walang programa ang gob­yerno para sa pamamahagi ng condom.

Pinayuhan pa ni Saludo ang DOH na tingnan ang programa nito upang hindi magbigay ng maling impresyon sa mga mamamayan.

Ang itinutulak umano ng gobyerno ay ang tinatawag na “responsible parenthood” upang makaiwas ang mga mamamayan sa nakahahawang HIV-AIDS,

Nauna nang ikinabahala ng DOH ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na nagkakasakit ng HIV-AIDS na karamihan umano ay mga nagtatrabaho sa mga call centers.

Samantala, nilinaw naman ni Health Secretary Esperanza Cabral na mga retailers at hindi ang DOH ang namimigay ng libreng condoms sa mga pamilihan ng bulaklak sa Maynila.

Simula kahapon ay namimigay ng libreng condoms ang DOH sa mga flower shops na isinabay sa mga bumibili ng bulaklak. (Malou Escudero/Doris Franche)

DANGWA FLO

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

HEALTH SECRETARY ESPERANZA CABRAL

INGAT LAGI

MALOU ESCUDERO

MAYNILA

MY VALENTINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with