^

Bansa

2 batalyon pa ikakalat ng AFP sa Mindanao: Away ng Ampatuan vs Mangudadatu tumitindi

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakaalerto ngayon ang tropa ng militar laban sa pinangangambahang “spill over” ng awayan sa pagitan ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan at Mangudadatu sa mga lungsod at bayan sa Central at Western Mindanao.

Ito’y bunsod ng pagkakapaslang ng mga security escort ni Buluan Vice Mayor at Maguindanao gubernatorial bet Esmael “Toto” Mangudadatu sa isa sa mga tauhan ng mga Ampatuan na si Tamano “Kagi” Mamalapat.

Si Mamalapat ay napatay matapos na mabaril ng isa sa mga security escort ni Toto sa barilan sa JS Gaisano Mall sa Davao City noong Huwebes ng gabi.

Sinasabing pinagtangkaan umano ni Mamalapat na itumba si Toto at dukutin ang 11-anyos na anak nitong babae pero naging maagap ang security escort ng opisyal.

Bunga nito, ayon kay AFP-Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Raymundo Ferrer, dalawang batalyon pa ng mga sundalo ang ipakakalat sa Central at silangang Min­danao upang maghigpit ng seguridad lalo’t malapit na ang eleksyon.

Sinabi ng opisyal na hiniling na nila kay AFP Chief of Staff Gen. Victor Ibrado ang pagpapakalat ng karagdagan pang 1,000 sundalo upang mapigilan ang tumitinding iringan sa pagitan ng pamilya ng mga Mangudadatu at mga Ampatuan.

Ang mga Ampatuan  sa pangunguna nina Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at ama nitong si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. ang itinuturong mastermind sa Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57 katao kabilang ang 16 miyembro ng pamilya ni Toto at 32 mediamen noong Nob­yembre 23, 2009.

Si Mangudadatu ay kalaban sa gubernatorial race ng isa sa angkan ng mga Ampatuan sa lalawigan.

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

BULUAN VICE MAYOR

CHIEF OF STAFF GEN

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

DAVAO CITY

EASTERN MINDANAO COMMAND CHIEF LT

GAISANO MALL

MANGUDADATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with