MANILA, Philippines - Inalis ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan ang 15 empleyado na nakatalaga sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) at dinala sa kanilang main office sa Maynila dahilan sa umanoy pagkakasangkot sa human trafficking.
Ayon kay Libanan ang pag transfer sa mga empleyado ay dahil sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) na sangkot sa umanoy human trafficking activities ng mga ito sa DMIA.
Pinalitan ang mga ito ng BI employees na nakatalaga naman sa main office sa Intramuros Maynila matapos na ipalabas ni DOJ undersecretary Ricardo Blancaflor na siya ring head ng Human Trafficking Task Force ang memorandum na humihiling kay Libanan na i-relieved ang 15 empleyado habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa kaso.
Tumanggi naman si Atty. Floro Balato, spokesman ng BI sabihin ang pangalan ng BI personnel na ni-relived habang inihahanda ang kasong administratibo laban sa mga ito.
Nabatid na hiniling ng DOJ sa Comelec ang exemption para sa existing ban sa movement ng government personnel na pinagbigyan naman ng komisyon sa ipinalabas nitong en banc resolution noong Martes kaya na ipalipat ang 15 BI personnel. (Gemma Garcia)