^

Bansa

'Morong 43' kinasuhan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinampahan na kahapon ng kasong kriminal ng pama­ha­laan ang binan­sa­gang Morong 43 na mga pinaghihinalaang mi­yembro ng New Peo­ple’s Army at na­sa­kote habang nagsa­­sa­gawa ng training sa isang pribadong compound sa lalawigan ng Rizal noong Pebrero 6.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Chief Major Gen. Jorge Se­­govia ng 2nd IB ng Phi­lippine Army na ang 43 NPA rebel kabilang ang kanilang mga lider ay sinam­pahan ng kasong illegal possession of firearms at ammunitions sa korte ng Morong.

Kasabay nito, pina­bulaanan ni Se­govia na tinor­ture ng militar ang mga nasa­koteng rebel­de upang umamin ang mga itong miyem­bro at lider ng NPA tulad ng alegasyon ng kanilang mga pa­milya.

Pinanindigan niya na lehitimo ang ope­ras­yon na bumatay sa arrest warrant na ipi-na­labas ni Executive Judge Cesar Mangro­bang ng Regional Trial Court Branch 22 sa Imus, Cavite.

Kabilang sa 43 na­aresto ay mga doktor at rural health workers na nakumpiskahan rin ng mga eksplosibo.

Itinanggi rin ni Se­govia ang mga para­tang ng mga militan­teng grupo at ng ilang pamilya ng mga nasa­kote na ‘planted’ ang mga nasamsam na ebidensya.

Aniya, lumang tug­tugin na ang paninira ng CPP-NPA sa militar bilang bahagi ng ‘black propaganda’ ng mga ito.

Magugunita na si­na­la­kay ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang rest­house ng isang Dra. Melicia Valmonte sa E.de la Paz St., Brgy. Maybangkal, Morong.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang ilang baril, gra­nada at ibang pampa­sabog.

ANIYA

CHIEF MAJOR GEN

EXECUTIVE JUDGE CESAR MANGRO

JORGE SE

MELICIA VALMONTE

NEW PEO

PAZ ST.

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with