Gabinete binalasa ni GMA
Malolos, Bulacan, Philippines - Nagsagawa ng pagbalasa si Pangulong Arroyo sa ilang miyembro ng kanyang Gabinete.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa media briefing kahapon, itinalaga bilang kapalit ng nagbitiw na si Secretary to the Cabinet Silvestre Bello III si Maricar Imperial.
Itinalaga naman si Horacio Ramos bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kapalit ni Secretary Eleazar Quinto.
Si Sec. Quinto naman ay itinalaga ni Mrs. Arroyo bilang director-general ng Presidential Coalition Affairs. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending