^

Bansa

Anak ni Lucio Tan, pwedeng tumakbo

-

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na pumasok sa politika ang anak ng business tycoon na si Lucio Tan, na si Viviene Tan na tatakbo sa pagka-Kongresista ng unang distrito ng Quezon City.

Ito ay makaraang idismis ni QC-RTC Judge Henri Jean-Paul Inting  ang kasong sibil na isinampa ni Congressman Bingbong Crisologo na humihiling na madisqualify si Tan sa pagkandidato sa darating na halalan sa Mayo 10, 2010 dahil hindi ito isang Pilipino. Gayunman, sa pinalabas na desisyon ni Judge Inting, napa­tu­nayang isang natural-born citizen si Tan kayat walang dahilan para hadlangan ang plano nitong kumandidato sa darating na halalan sa bansa.

Si Tan ay isang negosyante na nagnais na pumasok sa politika upang aniya’y mapaglingkuran niya ng  husto ang mga kababayan sa lungsod. Prayoridad niyang isentro ang atensyon sa edukasyon, pabahay at livelihood program oras na palarin sa halalan.

Sinabi din nito na ayaw ng kanyang ama na pumasok siya sa politika pero kagustuhan niyang mapag­serbisyuhan ang mga taga-QC. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CONGRESSMAN BINGBONG CRISOLOGO

CRUZ

JUDGE HENRI JEAN-PAUL INTING

JUDGE INTING

LUCIO TAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SI TAN

VIVIENE TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with