MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ni Lakas Kampi CMD senatorial bet Raul Lambino ang YEHEE Sa Probinsya kung saan napapaloob ang kanyang legislative agenda sakaling palarin siyang manalo sa Mayo.
Ang YEHEE ay nangangahulugan ng Youth (kabataan), Education (edukasyon) Health (kalusugan), Economy (ekonomiya) at Environment (kapaligiran).
Sinabi ni Lambino, tubong Pangasinan at kilalang eksperto sa constitutional law, na gugugulin niya ang kanyang termino sa pag-akda ng mga batas na magbibigay ng maraming oportunidad sa mga kabataan sa kanayunan o probinsya.