MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. na magiging prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpapaunlad sa industriya ng agrikultura sa bansa upang masiguro ang food security at lalong umunlad ang ekonomiya nito.
Ginawa ni Teodoro ang pahayag sa presidential debate sa University of the Philippines-Diliman kasabay ng pagsasabing, bukod sa agrikultura, isusulong din niya ang modernisasyon ng ship-building industry at turismo na hindi lamang nagpapasok ng dollar-investments sa bansa kundi lumilikha din ng trabaho.
Pinaboran din ni Teodoro ang paglalaan ng mas malaking pondo para masiguro ang peace and order sa bansa sa pamamagitan ng recruitment ng karagdagang pulis at pagbili ng mga modernong kagamitan.
Unang tinagurian si Teodoro na “campus idol” dahil sa paghanga at pagsuporta sa kanya ng mga estudyante dahil sa galing at talino umano nito matapos na ilang ulit manguna sa ilang mock elections. (Rudy Andal)