^

Bansa

Kampanya simula na

-

MANILA, Philippines - Sa pagsisimula kaninang hatinggabi ng kampanya sa pambansang halalan, nanawagan ang Commission on Elections sa mga kandidato na sundin ang mga kaukulang panuntunan tulad ng paglalagay ng campaign materials sa mga itinakdang common poster area.

Ginawa ng Comelec ang panawagan bunsod ng inaasahang mga gimik ng mga kandidato sa pagpapakalat ng kanilang makukulay na poster, banner at streamer sa mga lansangan at ibang pampublikong lugar sa panahon ng kampanya.

Hinikayat ni Comelec Spokesman James Arthur Jimenez ang publiko na tumawag sa kanilang hotlines na 5259294 at 5259301 at isumbong ang mga kandidatong lumalabag sa patakaran sa kampanya.

Nilinaw naman ng Co­melec na hindi nila tinutukoy na common poster area ang mga poste, puno, pader o gusali ng isang public structure na aktibong ginagamit kundi ang mga strukturang pansamantalang inilagay ng kandidato o political parties para sa eksklusibong paglalagay ng kanilang compaign posters. (Gemma Amargo-Garcia)

COMELEC

COMELEC SPOKESMAN JAMES ARTHUR JIMENEZ

GEMMA AMARGO-GARCIA

GINAWA

HINIKAYAT

KAMPANYA

KANDIDATO

NILINAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with