P10M bandila pasisinayaan

MANILA, Philippines - Pasisinayaan ngayong umaga sa Luneta ang tinatayang pinakamala­king watawat ng Pilipinas na tumitimbang ng 3.8 tons at nagkakahalaga ng halos P10 million. Ito ang maghuhudyat sa opisyal na pagsisimula ng pa­ngangampanya ng lapiang Bangon Pilipinas sa pangunguna ng presidential bet nito na si Bro. Eddie Villanueva.

Ang bandila ay nilikha at inihandog ng negosyanteng si Grace Galindez-Gupana na masugid na tagasuporta ng mga adhikain sa righteous governance ng Bangon Pilipinas.

Ayon sa mga organizer ng pagtitipon, ang paglaladlad ng watawat ay isang symbolic gesture of hope” para sa Bagong Pilipinas.

Kasama ni Bro. Eddie sa paglaladlad ng bandila ang kanyang vice presidential candidate na si Atty. Perfecto “Jun” Yasay at mga kasama sa senatorial ticket na sina Islamic expert Dr. Zafrullah Alonto, lawyer Reynaldo Princesa, lawyer Ramoncito Ocampo, broadcast journalist Katherine “Kata” Inocencio, Count Habib Adz Nikabulin, broadcast journalist Alex Tinsay at educator Dr. Israel Virgines.

Show comments