^

Bansa

Bangkay ng Pinay sa Haiti nakuha

-

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong linggong pagkawala, nakuha na kahapon ng mga rescuer ang bangkay ng isa sa dalawang Pilipina na natabunan ng gumuhong supermarket sa naganap na lindol sa Haiti noong Enero 12.

Ang bangkay ni Mary Grace Fabian ay nahugot dakong alas-11:00 ng umaga ng mga tauhan ng Central National Equipment Retrieval team habang nakaipit sa bumagsak na Carribean Supermarket bunga ng 7.3 magnitude na lindol.

Positibo namang kinilala si Fabian ni Lowel Lalican, nakaligtas sa lindol at asawa ng nawawala pang overseas Filipino worker na si Geraldine Lalican.

Nakilala si Fabian sa pamamagitan ng kanyang suot na uniporme, buhok at suot nitong kuwintas.

Patuloy pa rin ang isinasagawang recovery efforts ng  Philippine contingent sa Haiti upang hanapin si Geraldine Lalican na pinaniniwalaang natabunan din sa bumagsak na supermarket. (Ellen Fernando)

CARRIBEAN SUPERMARKET

CENTRAL NATIONAL EQUIPMENT RETRIEVAL

ELLEN FERNANDO

ENERO

GERALDINE LALICAN

LOWEL LALICAN

MARY GRACE FABIAN

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with