^

Bansa

'Kotong' idinaing

-

MANILA, Philippines - Idinaing ng importers at customs brokers sa Aduana ang panggigipit ng isang opisyal at kanyang kanang-kamay sa Bureau of Customs Accreditation Service na diumano’y nangingikil sa kanila ng milyun-milyong-piso sa bawat-araw.

Ayon sa kanila, kakan­selahin o “pahihirapan” silang mag-renew ng kanilang accreditation kung hindi sila maglalagak ng P50,000 at magda­ragdag ng P3,000 na “takal” sa bawat container na kanilang ipinapasok nang legal.

Nabunyag ang natu­rang “pangongotong” nang pumalag ang isang importer, si Lucio G. Sy ng Malate, Manila noong na­karaang Linggo.

“Hindi naman kami smugglers pero sobra ang harassment na inaabot namin lalu na sa kolektor na umiikot at nananakot na kakanselahin ang accreditation namin kung hindi namin sila aaregluhin,” mangiyak na reklamo ng broker.

Mahigit 1,000 containers ang pumapasok bawat araw sa BoC na nanga­nga­hulugang higit sa P3 milyon ang nakokolekta ng “bagman” ng opisyal ng BoCAS na kilalang supor­ter ng isang reelectionist na senador. (Mer Layson)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CUSTOMS ACCREDITATION SERVICE

IDINAING

LINGGO

LUCIO G

MAHIGIT

MER LAYSON

NABUNYAG

SHY

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with