^

Bansa

Hindi residente ng Caloocan, ayon sa korte: Baby Asistio disqualified

-

MANILA, Philippines - Inatasan kamakailan ng Caloocan City Regional Trial Court ang Commission on Elections na tang­galin si Luis “Baby” Asistio sa listahan ng mga kan­didatong mayor sa lunsod sa darating na halalan.

Ipinalabas ni Judge Arthur Malabaguio ng Caloocan RTC Branch 52 ang desisyon na nagsa­saad na napatunayang hindi lehitimong residente ng lunsod si Asistio kaya dapat tanggalin ang pa­ngalan nito sa listahan ng mga botante at kandidato.

Sinabi ng korte na hindi naninirahan si Asistio bukod sa kaduda-duda ang ibinigay niyang address na 123 Interior P. Zamora St., Barangay 15, Caloocan City .

Dahil dito, nagdesisyon na ang korte na tanggalin sa listahan ng mga botante si Asistio matapos na mabigo itong patunayan na residente siya ng kanyang inilagay na address sa kanyang Certificate of Candidacy.

Kahina-hinala rin ang ginamit na address ni Asistio noong 2007 na No. 110 Unit 1, P. Zamora St., Barangay 15, Caloocan City habang ang nakala­gay naman sa list of voters ng Comelec na address ni Asistio ay ang 109 Libis Gochuico, Barangay 15.

Napag-alaman pa na si Asistio ay kasalukuyang naninirahan ngayon sa 16-B Urdaneta Apartments, Ayala Avenue, Makati City.

Isinasaad ng Omnibus Election Code at ng Section 39 ng Republic Act 7160 na ang sinumang kandidato sa posisyon sa lokal na pamahalaan ay kinakailangang residente ng isang taon o higit pa kung saan ito nagnanais na maglingkod.

Bukod dito, napuna rin ang pagkakahatol ng isang husgado kay Asistio sa kaso nitong kidnapping for ransom kung saan ito nakulong ng maraming taon. (Danilo Garcia)

ASISTIO

AYALA AVENUE

B URDANETA APARTMENTS

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DANILO GARCIA

INTERIOR P

JUDGE ARTHUR MALABAGUIO

ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with