Kinaroroonan ni Ping tukoy na ng NBI

MANILA, Philippines - Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saang bansa naroroon si Sen. Pan­filo Lacson.

Ito ang ibinunyag ng tagapagsalita ng NBI na si Regional Director Ricardo Diaz, hepe ng Counter Terrorism Unit (CTU), mata­pos umanong maka­tang­gap ng impormasyon mula sa Interpol sa posib­leng kinaroroonan ng senador.

Hindi umano dapat na i-underestimate si Lacson, na dating naging head ng Interpol nang siya pa ang director ng Philippine National Police (PNP), dahil alam nito ang mga dapat ikilos at posibleng naka­monitor din ito sa nang­yayari sa Pilipinas.

Inaasahang ngayong araw (Lunes) ay maila­lagay na sa Interpol” Red Notice” si Lacson.

Kahit umano nagmo­monitor na ang foreign counterparts nila si­mula pa noong Miyerkules at Huwebes ay hindi na­man maaring galawin si Lacson kung hindi pa ito naitala sa “Red Notice,” ani Diaz.

Tiniyak din ni Diaz na wala sa Amerika at Australia si Lacson batay sa beri­pikasyon doon ng counterparts.

“His Australian visa expired in 2008. His US visa was cancelled because he was named as unindicted co-conspirator in the espionage case involving former police Senior Superintendent Michael Ray Aquino and Filipino American Leandro Aragoncillo in the US ,” paliwanag ni Diaz. (Ludy Bermudo)

Show comments