Kinaroroonan ni Ping tukoy na ng NBI
MANILA, Philippines - Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saang bansa naroroon si Sen. Panfilo Lacson.
Ito ang ibinunyag ng tagapagsalita ng NBI na si Regional Director Ricardo Diaz, hepe ng Counter Terrorism Unit (CTU), matapos umanong makatanggap ng impormasyon mula sa Interpol sa posibleng kinaroroonan ng senador.
Hindi umano dapat na i-underestimate si Lacson, na dating naging head ng Interpol nang siya pa ang director ng Philippine National Police (PNP), dahil alam nito ang mga dapat ikilos at posibleng nakamonitor din ito sa nangyayari sa Pilipinas.
Inaasahang ngayong araw (Lunes) ay mailalagay na sa Interpol” Red Notice” si Lacson.
Kahit umano nagmomonitor na ang foreign counterparts nila simula pa noong Miyerkules at Huwebes ay hindi naman maaring galawin si Lacson kung hindi pa ito naitala sa “Red Notice,” ani Diaz.
Tiniyak din ni Diaz na wala sa Amerika at Australia si Lacson batay sa beripikasyon doon ng counterparts.
“His Australian visa expired in 2008. His US visa was cancelled because he was named as unindicted co-conspirator in the espionage case involving former police Senior Superintendent Michael Ray Aquino and Filipino American Leandro Aragoncillo in the US ,” paliwanag ni Diaz. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending