^

Bansa

2 OFW patay sa sunog

- Nina Ellen Fernando at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dalawang mag-nob­yong Pinoy ang nasawi matapos na umano’y su­nu­gin ng lalaki ang kani­lang inuupahang flat sa Cyprus, dahil sa matinding selos.

Batay sa ulat na na­karating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakilala ang mga nasawi na sina Nar­dino “Nardy” Nuquid, 35, tubong Pampanga at Mary Rose Castanas-Saldiva, 39, tubong Samar.

Naganap umano ang sunog dakong 5:00 ng ma­ daling-araw noong Enero 27, sa inuupahang tahanan ng mga biktima sa Prevesis St. sa Nicosia, Cyprus.

Ayon sa mga kapit­bahay ng mga biktima, na­gising na lamang umano sila dahil sa komosyon sa labas at nang kanilang tingnan ay nakita nila ang usok na nagmu­mula sa kuwarto ng mga biktima.

Tinangka pa umano ni Marisol, kapatid ni Mary Rose, na iligtas ang ka­patid at puwersahang binuksan ang pintuan ng kuwarto ng mga biktima.

Gayunman, nang ma­buk­san ito, sinubukan uma­ no ni Mary Rose na lumapit sa kapatid ngunit hinila umano ito ni Nuquid pabalik sa nasusunog na kuwarto.

Matapos ang 10 minuto ay dumating na umano ang tinawagan nilang mga pamatay-sunog ngunit huli na, dahil patay na ang mga biktima.

Sinasabing nakakita ang mga arson investigator ng isang plastic container na may lamang petrol sa loob ng kuwarto, kaya’t naniniwala ang mga ito na sinadya ng lalaki ang sunog, matapos na muling mag-away ang mga ito.

Sinasabi ring madalas umanong mag-away ang mga biktima nitong mga nakalipas na araw dala ng labis na selos.

Tiniyak naman ng DFA na pagkakalooban nila ng kaukulang tulong ang pamilya ng mga biktima at kaagad rin umano nilang aayusin ang pagpapabalik sa bansa ng mga bangkay ng mga ito.

AYON

BIKTIMA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

MARY ROSE

MARY ROSE CASTANAS-SALDIVA

NUQUID

PREVESIS ST.

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with