El Niño 'di sabay-sabay mararanasan sa bansa
MANILA, Philippines - Makakaranas ng El Niño phenomenon o tagtuyot ang buong bansa subalit hindi naman sabay-sabay magaganap.
Ayon kay weather forecaster Chief Nathaniel Cruz ng PAGASA, halimbawa dito ay mangyayari ang tagtuyot sa ibang bahagi ng Luzon pero may baha pa rin magaganap sa may Mindoro area.
Matatandaan noong buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, binabaha umano ang Metro Manila habang sa Visayas region ay tuyot ang panahon.
Anya, mapapaaga at mapapahaba rin ang summer season dahil ngayon pa lamang ay wala ng ulan sa Luzon at inaasahang sa buwan ng Hunyo o Hulyo pa makakaranas ng mga pag-ulan ang bansa. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending