^

Bansa

'Hello Garci' buburahin sa 2010 election: 49.9 milyong boto ng Pinoy poprotektahan ng AFP

-

MANILA, Philippines - Poproteksyunan ng hukbo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tinatayang 49.9 milyong boto ng mga botante sa bansa upang mapanatili ang kasagraduhan, mapairal ang demokrasya at maluklok sa puwesto ang tunay na inihalal na mga kandidato kaugnay ng nalalapit na May 10, 2010 national polls.

Kasabay nito ay bu­burahin na rin ang ma­ling impresyon sa paratang ng mga kritiko hinggil sa pagkakasangkot umano ng ilang mga heneral sa ‘Hello Garci  scandal’ o ang malawakang dayaan sa eleksyon noong 2004.

Sa ginanap na “Protect the Votes’ Bike-A-Thon ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force kahapon kung saan pumadyak ng kanilang mga bisikleta ang mga cyclist na heneral, iba pang senior officers ng naturang mga hukbo ng AFP ay tiniyak ng mga ito na isusulong nila ang Advocacy for Credible Elections o ACE.

Ang 3.5 kilometrong Bike-A-Thon ay pinangunahan nina Army Chief Lt. Gen. Delfin Bangit, Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ferdinand Golez at Philippine Air Force Chief Lt. Gen. Oscar Rabena.  

Sa panayam, sinabi ni Golez na krusyal ang 2010 national elections sa darating na Mayo kaya tinitiyak nila ang ‘total commitment’ ng buong hukbo ng AFP para maipatupad ang malinis at tapat na halalan na walang sinumang kinikilingan sa hanay ng mga kandidato. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CHIEF LT

BIKE-A-THON

COMMAND VICE ADMIRAL FERDINAND GOLEZ

CREDIBLE ELECTIONS

DELFIN BANGIT

HELLO GARCI

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with