^

Bansa

Krisis sa tubig nakaamba!

- Nina Malou Escudero, Angie Dela Cruz at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inatasan na ni Pangulong Arroyo ang lahat na ahensiya ng gobyerno na manguna sa pagtitipid sa paggamit ng tubig dahil sa nakaambang krisis dulot ng paparating na tag-tuyot.

Sinabi ni Presidential Deputy Spokesman Ricardo Saludo na kailangang magtulungan ang lahat ng mamamayan sa gitna ng babala na posibleng magkaroon ng kakapusan sa suplay ng tubig dahil sa El Niño na magsisimula umanong maranasan sa bansa sa buwan ng Abril.

Tiniyak naman ni Saludo na pangungunahan ng Malacañang ang pagtitipid sa tubig upang mapababa din ang kanilang water bill para tularan ng publiko.

Sa pagpupulong ng Task Force El Niño sinabi ni Agriculture Sec. Arthur Yap na isusulong nito ang pagtitipid sa tubig dahil isa ito sa panlaban sa tag-tuyot. Makakaasa din aniya ang taumbayan na may iba pang contingency measures ang gobyerno laban dito.

Samantala, sinabi naman ni Environment and Natural Resources Sec. Eleazar Quinto, na kontrolado pa rin ang krisis sa tubig dahil ang tag-tuyot ngayon ay tulad lang ng tag-tuyot noong 2004 at hindi gaya noong 1998.

Hindi rin aniya kinakailangan na magrasyon ng tubig sa mga residente kundi pahihinain na lang ang pressure nito at hindi mawawalan ng suplay.

Inulat din ng National Water Resources Board (NWRB) na tumaas uma­no ng 2 metro ang level ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan kaya 1.5 metro na lamang ang kinakaila­ngan nitong itaas at nasa normal level na ito.

Samantala, bunsod ng nagbabadyang tagtuyot, ipinag-utos na rin ni Defense Secretary Norberto Gonzales na itaas hanggang 1 milyon ang recruitment ng mga reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa.

Sinabi ni Gonzales na bunga ng ‘climate change’ hindi lamang pang-giyera kundi dapat na maging handa rin sa ‘disaster relief operations’ ang AFP.

Nabatid sa Kalihim na ang AFP ay mayroon lamang kabuuang 350,000 reservist para sa 91 mil­yong Pinoy na kulang na kulang sa panahon ng search and rescue ope­rations kapag may mga nangyayaring kalamidad tulad ng pananalasa ng bagyong Ondoy at Pe­peng noong nakalipas na taon. 

“Our nation will really be in big trouble, because we don’t have enough water. Maraming mga crops natin ang masisira. Yung mga taga-Maynila baka mabawasan ng tubig na pampaligo,” ang sabi pa ng Defense Chief.

AGRICULTURE SEC

ANGAT DAM

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARTHUR YAP

DEFENSE CHIEF

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

EL NI

ELEAZAR QUINTO

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with