Simbahan dismayado sa supporters ng RH bill
MANILA, Philippines - Nadismaya ang Simbahang Katoliko kay Davao City Vice Mayor Sara ng tahasan nitong suportahan ang Reproductive Health na mariing tinututulan ng una.
Ayon kay Fr. Amado Picardal, ang pagsuporta ni Duterte sa reproductive health ay patunay lamang nang kawalan nito ng pagpapahalaga sa buhay. Unang sinabi ni Duterte na suportado nito ang Reproductive health at nakahiyat na umano siya ng 300 kababaihan na handa nang magpa-ligate sa Davao. Maging ang ama nitong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay binatikos din sa suportang ibinigay sa naturang batas.
Dahil dito, umalma si Picardal at mariing tinutulan ang RH bill dahil sa pagiging anti-life nito at nagsusulong din umano ito ng aborsyon.
Kinondena din ang matandang Duterte sa walang habas na pagpatay ng umano’y Davao Death Squad at tila nagbubulag-bulagan umano dahil sa kawalan ng aksiyon sa kabila ng halos 1,000 katao na ang nabibiktima nito. (Mer Layson)
- Latest
- Trending