Pagtakas kay Andal Jr., nabisto

MANILA, Philippines - Naka-heightened alert ngayon ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos madiskubre ang umano’y planong itakas ang nakakulong na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Nabatid kay Atty. Ric Diaz, hepe ng NBI Counter Terrorism Unit, nadiskubre ang isang mapa na katabi ng rifle grenade, marking “X” sa Supreme Court at NBI at nakasulat na ‘1-31-10”, sa loob ng itim na plastic bag, sa ika-2 palapag ng Greenhills shopping center, sa San Juan City.

Naniniwala ang NBI na ang mensahe ay nagpapahiwatig na target ng pag-atake ang NBI at Supreme Court sa Linggo, Enero 31.

Sabi ni Diaz, isang taktika ito upang mapuwersa ang pamahalaan na mailipat sa ibang pasilidad si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at tuluyang maitakas ito.

“But I believe that it is just a scare tactics. The rifle grenade would not explode because it has no blasting cap and a switch. So the purpose is to create fear. It is also possible that the individuals or the group behind this just want the government to transfer Ampatuan to another jail facility,” ayon kay Diaz.

Dahil dito, inilatag na ng NBI ang mas mahigpit na pagbabantay kay Ampatuan at sa paligid ng Korte Suprema.

 “Mauubos muna kami bago nila makuha si Ampatuan,” sabi pa ni Diaz.

Show comments