MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.8 milyong ang koleksyon kada araw mula sa operasyon ng jueteng, lotteng bookies at video karera sa buong Southern Metro Manila kung saan ang mga ginagamit ng gambling lord ay pawang menor-de-edad babae’t lalaki. Ito ang isiniwalat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamumuno ni Rev. Father Pedro Quitorio kung saan ipinarating na nila ang reklamo sa National Police Commision sa pamumuno ni Vice Chairman Eduardo Escueta.
Pawang nasa edad 12-anyos ang ginagawang kobrador ng jueteng kung saan isang nagngangalang Elmer “Nepo” Nepomuceno ang nagpapatakbo ng pasugalan at sinasabing may basbas ng ilang opisyal ng Southern Police District Office. Kabilang sa mga katiwala ni Nepo sa operasyon ng jueteng sa Muntinlupa City ay may mga alyas Josie, Tisay, Tata Cris, Emily Tablado, Boy Arujado (ex-policeman) at isang alyas Samboy.
Hawak nina Leo, Allan at Ka Mising ang operasyon ng jueteng sa Las Piñas at Parañaque City habang sina Alyas Joy, Edgar, Jon-Jon at Boyet naman sa Taguig City.
Samantala, sa Pasay, Pateros at Makati City ay sina Joy, Delfin, Tolfin, Toto Lacson, Philip, Dado, Bong Vergel, Pusa, Ayungin, Boyet at si Perla