^

Bansa

CBCP umalma sa jueteng sa MM

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.8 milyong ang koleksyon kada araw mula sa operasyon ng jueteng, lotteng bookies at video karera sa buong Southern Metro Manila kung saan ang mga ginagamit ng gambling lord ay pawang menor-de-edad babae’t lalaki. Ito ang isiniwalat ng Catholic Bi­shops Conference of the Philippines (CBCP) sa pa­mumuno ni Rev. Father Pedro Quitorio kung saan ipina­rating na nila ang reklamo sa National Police Commision sa pamumuno ni Vice Chairman Eduardo Escueta.

Pawang nasa edad 12-anyos ang ginagawang kobrador ng jueteng kung saan isang nagngangalang Elmer “Nepo” Nepomuceno ang nagpapatakbo ng pasu­galan at sinasabing may basbas ng ilang opisyal ng Southern Police District Office. Kabilang sa mga katiwala ni Nepo sa operasyon ng jueteng sa Muntinlupa City ay may mga alyas Josie, Tisay, Tata Cris, Emily Tablado, Boy Arujado (ex-policeman) at isang alyas Samboy.

Hawak nina Leo, Allan at Ka Mising ang operasyon ng jueteng sa Las Piñas at Parañaque City habang sina Alyas Joy, Edgar, Jon-Jon at Boyet naman sa Taguig City.

Samantala, sa Pasay, Pateros at Makati City ay sina Joy, Delfin, Tolfin, Toto Lacson, Philip, Dado, Bong Vergel, Pusa, Ayungin, Boyet at si Perla

vuukle comment

ALYAS JOY

BONG VERGEL

BOY ARUJADO

BOYET

CATHOLIC BI

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EMILY TABLADO

FATHER PEDRO QUITORIO

KA MISING

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with