^

Bansa

US nagbigay ng armas vs terorismo

-

MANILA, Philippines - Pinagkalooban ng Amerika ng isang Wea­pons of Mass Destruction trailer van ang Bureau of Fire Protection upang mas maging epektibo ito sa paglaban sa terorismo.

Ayon kay C/Supt. Rolando Bandilla, acting director ng BFP-NHQ, kinilala ng United States’ Department of State/Diplomatic Secretary service ang kapasidad at potensiyal ng BFP bilang ahensiya ng gobyerno na unang rumiresponde sa tawag ng pangangailangan, kaya lubos din ang pasasalamat nito sa nasabing kagamitan dahil malaki ang kakulangan ng kagamitan ng BFP lalo na sa Emergency Medical Response and Special Rescue, bukod pa ang pag­pigil sa sunog.

Nabatid na ang WMD trailer van ay kinapapalooban ng Self-Contain Breathing Apparatus (SCBA), Boots, hard hat, detection kit for chemicals, decontamination tent at decontamination pool na ginamit ng BFP Special Reaction Unit (SRU) sa pagresponde sa pinaniniwalaang pag-atake ng ANTHRAX sa US Embassy noong July 22, 2003. Ang mercury spill sa St. Andrews School, ammonia leak sa Pasig City at Glorietta blast noong 2007. (Ricky Tulipat)

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEPARTMENT OF STATE

DIPLOMATIC SECRETARY

EMERGENCY MEDICAL RESPONSE AND SPECIAL RESCUE

MASS DESTRUCTION

PASIG CITY

RICKY TULIPAT

ROLANDO BANDILLA

SELF-CONTAIN BREATHING APPARATUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with