MANILA, Philippines - Kinatigan kahapon ni Bangon Pilipinas Presidential candidate Bro. Eddie C. Villanueva ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga botante na bumoto ng ayon sa konsensya at matapos ang taimtim na dalangin at paghingi ng gabay sa Dios.
Ayon kay Villanueva, lubha nang nasasaktan ang bansa sa larangang pang-ekonomiya, politika at moral. “The nation is badly hurting, especially in the economic, political, and moral spheres,” aniya
Dinagdag ni Villanueva na ang napipintong eleksyon sa Mayo ay isang “make or break situation” para sa bansa. Ang sino mang mapipili ng sambayanan sa pagka-pangulo ay maaring magdala ng pag-unlad at reporma o tuluyang pagkapahamak ng bansa, dagdag ni Villanueva.
Sa CBCP Pastoral Statement nanawagan ang mga obispong Katoliko na huwag padala sa mga resulta ng survey o political advertisement. “Winnability is not at all a criterion for voting!” ani Villanueva.