^

Bansa

Miriam pinapasipa sa Senado

-

MANILA, Philippines - Isang abogado na ina­kusahan ni Senador Miriam Defensor-Santiago na “gun for hire lawyer” sa kanyang privilege speech laban kay DILG Sec. Ronaldo Puno, ang naghain kahapon ng reklamo sa Senate Committee on Ethics na humi­hiling na patalsikin ang Senador bilang miyembro ng Senado.

Sa 17-pahinang complaint na inihain ni Atty. Bonifacio Alentajan, sinabi nito na inabuso ni Santiago ang kanyang “parliamentary immunity” na naging dahilan upang magbigay sa kanya ng kahihiyan.

Nakasaad sa reklamo ni Alentajan na si Santiago ay guilty umano sa “unparliamentary behavior” at serious misconduct dahil sa mga notorious at iskandalosong mga pahayag nito.

Naka-attached sa reklamo ni Alentajan ang kopya ng privilege speech ni Santiago kung saan sinabi ng senadora na si Alentajan umano ay na kick-out sa Pasay City fiscals office dahil sa korupsiyon.

Ayon kay Alentajan, walang katotohanan at fabricated lamang umano ang sinabi ni Santiago.

Binigyang diin din sa re­kla­mo ang ilan pang mga na­ging batikos at kontro­bersyal na statement ng senadora sa mga naging presidential opponent niya noon, sa ilang mga mambabatas at mga opisyal ng gobyerno.

Inakusahan din ni Alen­tajan si Santiago ng  paggamit ng kanyang kapangyarihan para maitalaga sa iba’t ibang posisyon sa gob­yerno ang kanyang asawa, kapatid at  pamangkin.

Iginiit ni Alentajan dapat daw mapaimbestigahan si Santiago ng ethics committee dahil sa kabiguan nito na magsagawa ng full disclosure sa kanyang mga financial at business interest kabilang na ang mansion nito sa Tagaytay  City. (Malou Escudero)

ALENTAJAN

BONIFACIO ALENTAJAN

MALOU ESCUDERO

PASAY CITY

RONALDO PUNO

SANTIAGO

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with