^

Bansa

Pinoy cyclists sa Laos SEA Games hiniya

-

MANILA, Philippines - Wala nang nagawa ang mga atletang Pilipino na bumubuo sa Philippine Cycling Team sa katatapos na 25th Southeast Asian Games sa Laos noong isang buwan kundi umiyak na lang sa sobrang sama ng loob matapos umanong “ihulog” ni Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Bukod tanging ang 12-man cycling team ng Pilipinas ang hindi pinayagang makasali sa torneo ng mga game officials matapos hindi bigyan ni Tolentino ng “lisensiya” ang mga atleta na makasali sa cycling events.

Ang torneo ay ginanap sa Vientiane, Laos mula Disyembre 9-18 kung saan panglimang puwesto lang ang nakopo ng bansa. “Mahina sana ang anim na gold medal ang naiuwi natin at sana ay umakyat pa tayo sa third overall standing,” himutok ni team manager Arnold Taberdo sa panayam ng media.

Sinabi nila,  “shock” pa sila sa “trauma” ng kanilang masaklap na karanasan sa Laos kaya ngayon pa lang sila nakapagsalita sa media.

Kasama ni Taberdo sina 2007 SEA games gold medalist Alfie Catalan (individual time trial), 2007 SEA games silver medalist Eusebio Quinones, head coach Joselito Santos at assistant coach Arsenio Tado sa ginanap na panayam upang ipaalam sa publiko ang kahiya-hiyang karanasan nila sa Laos dahil umano sa maniobra ni Tolentino.

Ang Philcycling na siyang national sports association na kinikilala ng Philippine Olympic Committee ay nasa gitna ng matinding away ng grupo nina Tolentino at negosyanteng si Michael ‘Mikee’ Romero.

Binoykot ng grupo ni Tolentino ang halalan ng Philcyling noong Mayo 9 na iniutos ng POC para ma­tuldukan ang kontrobersiya. Siya pa rin ang kinilalang pangulo ng international cycling union na lehitimong presidente ng Philcycling at hindi si Romero na kinikilala ng POC.

Ang pag-upo umano ni Tolentino ay suportado ni Philippine Sports Commission Chairman, Harry Angping, na siya namang may hawak ng pondo para sa mga atleta.

Si Angping ay inaakusahan ng mga cyclists ng pagputol sa kanilang suportang pinansiyal noong isang taon matapos ‘di nila kilalanin ang liderato ni Tolentino.

“Mabuti na lang at sina­got lahat ni Romero ang lahat ng gastos pero nasayang naman dahil ‘inihulog’ kaming lahat ni Tolentino pagdating sa Laos,” puna pa ni Tabardo.

Sa araw ng torneo, nagulat na lang silang lahat nang ipilit ng mga game officials na ang lisensiyang may lagda ni Tolentino ang dapat ipakita ng mga atleta kung gusto nilang makapaglaro at hindi ang lisensiyang pirmado ni Romero at pinatunayan ng POC. (Butch Quejada)

vuukle comment

ALFIE CATALAN

ANG PHILCYCLING

ARNOLD TABERDO

ARSENIO TADO

BUTCH QUEJADA

EUSEBIO QUINONES

HARRY ANGPING

JOSELITO SANTOS

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with