^

Bansa

'Flying high' si Gibo

-

MANILA, Philippines - Lingid sa kaalaman ng marami, si dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. na kasaluku­yang Lakas-Kampi-CMD presidential candidate sa May 2010 elections ay isang lisensyadong commercial pilot at isang reserve colonel sa Philippine Air Force.

Ang 45-anyos na si Gibo na may Learjet 31 rating sa kanyang commercial pilot license ay may kakayahang magpalipad ng isang C-130 military plane. Dati rin siyang lecturer sa Air Command Staff College ng PAF at nakatanggap ng iba’t ibang award at commendation dahil sa kanyang aeronautical skills.

Hindi lang siya isang or­dinaryong piloto. Sina­bitan na siya ng maraming dekorasyon at ginawaran ng Basic RASS Aeronautic Badge; pinarangalang Honorary Command Pilot noong Setyembre 2000 at ginawaran din ng Presidential Flight Crew Badge ng 250 Presidential Airlift Wing ng PAF noong Agosto 2002.

Ayon sa mga eksperto, ang pagiging piloto ay hindi isang madaling opisyo. Kailangang magtala ng mahabang oras sa pag-eensayo at matuto ng mga bago at mahihirap matutunang kakayahan at kaalaman.  

Sinabi ni Gibo na, gaya ng isang Learjet, “kinakailangan ng Pilipinas ng isang magaling na piloto upang maihatid ito sa landas ng tuluy-tuloy na pag-unlad at kakayahang makipag-kumpitensya sa buong mundo.”

Idiniin niya na upang mapaunlad ang Pilipinas, kinakailangan na ang lider nito ay isang action man at hindi lang puro salita at dapat ay may kakayahan at determinasyong mapagbuklod ang buong bansa. (Butch Quejada)

AERONAUTIC BADGE

AIR COMMAND STAFF COLLEGE

BUTCH QUEJADA

DEFENSE SECRETARY GILBERT

GIBO

HONORARY COMMAND PILOT

ISANG

LEARJET

PHILIPPINE AIR FORCE

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with