^

Bansa

'Kinukuyog nila ako' - Villar

-

MANILA, Philippines - Tumibay ang hina­ lang pinagtutulungan ng mga kalabang senador si Senador Manny Villar kaugnay sa kontrobersiya ng C-5 Road Extension project nang lumiit sa walong porsiyento mula sa 37% ang kalamangan ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa huling survey sa presidentiables.

Sa isang special year-end one-on-one national survey ng Social Weather Stations noong Disyembre 27 at 28 sa hanay ng 2,100 respondents, nakakuha si Villar ng 44% kontra 52% ni Aquino habang apat na porsiyento naman ang undecided.

Kabilang ang grupo ni Aquino sa Liberal Party sa mga katuwang ni pro-administration Senate President Juan Ponce Enrile sa sinasabing panggigipit kay Villar. Si Enrile ay nasa senatorial ticket ni ex-President Joseph Estrada na isa ring presidentiable.

Base sa October 2009 survey, lumitaw na namamayagpag si Aquino sa 65% habang 28% lamang si Villar at 6% naman ang undecided.

Kaya hinihinalang konektado ang pagkuyog ng mga kalaban ni Villar, standard-bearer ng Nacionalista Party sa Senado sa pagtaas ng ratings nito at pagliit naman ng kalamangan ni Aquino habang papalapit ang kampanya.

Matatandaang kasama rin ni Aquino sa pagdikdik kay Villar sa C-5 ang presidential candidate na si Sen. Jamby Madrigal.

Sa parehong December 2009 survey kung saan pito ang magkakalaban na hindi kasama si dating Pangulong Estrada, nakakuha si Aquino ng 49% habang 38% si Villar. (Butch Quejada)

vuukle comment

AQUINO

BUTCH QUEJADA

JAMBY MADRIGAL

LIBERAL PARTY

NACIONALISTA PARTY

PANGULONG ESTRADA

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

ROAD EXTENSION

SENADOR MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with